Dahil sa pag-alis ni Alexander ay tuluyan ng nawala sa sarili si Lilian. Lagi na lang siyang tulala at sa katunayan ay ilang araw na niyang napabayaan si Vanessa. Siguro kung pinakinggan niya ang lalaki ay hindi ito umalis. Siguro kung naniwala kaagad siya na hindi siya nito niloko, siguro ay natuloy ang kanilang planong pagpakasal. “Hindi ka na ba talaga titigil?” Galit na tinanong ni Paloma si Lilian dahil ilang araw na itong laging umiiyak at nabahala na siya. Mas lalong humagulhol ng iyak si Lilian dahil habang tumatagal ay mas lalo lang nangulila kay Alexande. “Hindi ko na siya makontak, Ma.” “Sinagad mo kasi ang pasensya niya, Lil. Paano na lang kung natuloy ang kasal ninyo tapos ganyan ka pa rin? Ayaw mo siyang pakinggan,” napailing na si