Nagsisi si Lilian kung bakit sinabi niya kay Daniella ang tungkol sa ibang babae ni Alexander. Nang makita niya kasing gumalaw ang panga ni Daniella ay natakot siya sa seguridad ni Alexander. Medyo kakaiba kasi mag-isip ang kanyang stepsister pagdating sa lalaking nagloloko. “Patay na raw ‘yong babae,” paliwanag ni Lilian upang hindi na magalit si Daniella. “Eh yon naman pala, bakit hindi mo pa rin siya pinapansin? O sadyang nagsinungaling ka sa akin,” pahayag ni Daniella. “Ayaw ko pa siyang pansinin,” sagot ni Lilian. “Mag-usap kayong dalawa bago pa mahuli ang lahat,” suhestiyon ni Daniella dahil ayaw niyang matulad sa kanyang love story ang kwento ng dalawa. Masakit sa dibdib na makitang magkasina sina Lilian at Alexander dahil alam n