Nang marinig ang linyang iyon mula sa babae ay para na rin siyang pinatay at inilibing na buhay. Malayo sa kanyang imahinasyon na masira ang kanilang relasyon. Kung hindi dahil sa pangingialam ni Clara sa kanyang buhay ay hindi magbabago ang pagtingin ni Lilian sa kanya. Inakala ni Alexander na pansamantala lang ang galit ni Lilian sa kanya ngunit hindi niya inasahan na pati pala sa bahay ay hindi siya pinapansin ng babae. Lumipat ito ng silid at tuwing magkasalubong sila ay hindi siya nito kinikibo. Isang umaga, habang papunta sa kusina upang kumain, nakasalubong niya ang babae sa may hagdanan kaya hinarang niya ito. “Pwede ba tayog mag-usap?” “Narito ka pa pala,” matabang na wika ni Lilian at halatang nagulat ang lalaki sa kanyang sinabi. Nabigla si Alexande