Pag-uwi nilang dalawa galing sa clinic, tumambay muna sila sa gazebo at nagpahatid na lang ng malamig na inumin. Napabuntong-hininga si Lilian habang nakatitig kay Alexander. “Noong sinabi ni Mama na magkapatid tayo, naniwala ka ba?” Tinanong niya ang lalaki. “Bakit naman ako maniniwala?” Gumanti siya ng tanong. “Bakit naman hindi?” Nagtaka si Lilian kung bakit hindi naniwala si Alexander na magkapatid silang dalawa. “Kasi alam ko na hindi mangyayari ‘yon,” sabi ni Alexander. “Isa pa, hindi naman nagpunta ng Pilipinas ang aking ama,” dagdag pa ni Alexander. “Hindi pa nakapunta dito ang mga magulang mo? Bakit?” Mas lalong naguluhan si Lilian sa rebelasyon ni Alexander. Ni minsan ay hindi pa nila napag-usapan ang tungkol sa kanilang mga