Hindi niya sinadya noon na mapaibig sa kanyang asawa at basta na lang nangyari ‘yon, ngunit sadyang hindi sila ni Claire ang nakatadhanang magsama habangbuhay. Dinamdam niya ang pagkawala nito pero nagpasalamat na rin siya na wala si Claire at hindi na ito maghihirap pa ng husto nang dahil sa kanya. “Magpakasal na tayo,” inulit niya ang kanyang sinabi kay Lilian dahil hindi ito sumagot at nakatitig lang sa kawalan na para bang may inisip na malalim. Sa totoo lang ay na-miss niya ang dating si Lilian na nakasama niya noon sa isla. Na-miss niya ang pagkamasiyahin nito na siyang dahilan kung bakit na-attract siya sa babae noon. “Not now, Alexander.” Tumanggi siya na magpakasal sila ni Alexander dahil hindi pa handa ang kanyang sarili. Pakiramdam niya kasi ay may kul