Nagulantang si Lilian sa rebelasyon ni Alexander kasi hindi niya inexpect na patay na ang ex na binanggit nito minsan. “Mahal mo pa rin siya,” sabi ni Lilian dahil nakita niya sa mga mata ng lalaki na mayroon pa itong pagmamahal para sa naturang babae kung sino man ito. Mahal pa rin ba niya si Claire? Siguro, pero matagal na silang natapos at sa kasalukuyan ay si Lilian at Vanessa na lang ang importanteng babae sa kanyang buhay. “Kung ano man ang nararamdaman ko ngayon para kay Claire, siguro ay awa. Naawa ako sa kanya dahil hindi ko siya nagawang protektahan noon,” medyo pumiyok ang kanyang boses nang maalala ang babae. ***** Hindi niya nagustuhan ang ginawa ni Janine kanina. Araw ng kanyang kasal ngunit harap-harapan itong nakikipaglandian sa kanya. Paano kung makahalata