CHAPTER 43

2413 Words

Nagtawanan sina Jessica at Daniella habang nagkakape sa may veranda. Kung wala lang sanang pinagdaanan si Lilian, mas maganda siguro kung sabay nilang nakilala ang asawa ni Samuel. “Hindi mo pa naikwento sa akin kung paano kayo nagkakilala ni Marcus,” sabi ni Jessica habang nakatingin sa babaeng muling nagpatibok sa puso ng kanyang kaibigan. Nabigla si Daniella sa itinanong ni Jessica at hindi niya alam kung paano sasagutin ang babae. Nahiya siyang ibahagi ang kwento kung paano ba sila nagkatagpo ni Marcus noon. Sino ba naman kasi ang hindi mapahiya? “Nakakahiya kasi ‘yong simula namin,” pag-amin ni Daniella. “Sus, huwag ka ng mahiya. Mas nakakahiya pa kaya sa estorya namin ni Samuel?” Nagtanong si Jessica at pagkatapos ay bumunghalit ito ng tawa. “Hmmm…,” sabi ni Daniella habang pin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD