“May spg din sa kwento ninyong dalawa?” Nagtanong si Jessica upang makasiguro kasi hindi niya nakitaan ng kapilyuhan si Marcus. Sa mga magkakaibigan, si Alexander Ortega lang yata ang pinakasalbahe pagdating sa mga babae. “Ay wait lang, may naalala ako. Totoo ba na seryoso si Alexander sa kapatid mo?” “Ah nabanggit na ba ni Marcus? Iyon ang nakita ko sa kanya,” sumagot si Daniella. “Daebak! Isang malaking himala!” Pahayag ni Jessica. Natawa si Daniella sa paggamit ni Jessica ng koreanong salita. Adik kasi ang babae sa mga Korean drama at todo support naman ang asawa nitong si Samuel sa hilig ng babae. Sa katunayan ay mayroong isang silid sa bahay ng mga Velasquez na para lamang sa panonood nito ng kdrama. “Isang himala? Bakit naman?” Nagtaka si Danie