Ikinagulat ni Marcus ang pagsigaw ng babae ngunit hindi niya ito masisisi. "Patay na sila Dani," sabi ni Marcus at muling humarap sa babae, hindi alintana ang nakamamatay nitong mga tingin. "Patay? Sino?" Sunod-sunod niyang tanong kay Marcus. "My first wife and our daughter, Ariana." He kept it short and simple to save Daniella from the horrible details of how his wife and child were murdered. "I'm sorry," ang tanging salita na lumabas mula sa kanyang bibig nang makita niya ang sakit, hinagpis at pangungulilala sa mga mata ni Marcus. At ganun lang kadali na nawala ang galit niya para sa lalaki. Tinanong niya ang kanyang sarili kung bakit hindi niya kayang magalit ditong lubusan? May mali ba sa kanya? At kung meron man ay ayaw niya muna itong itama. Lumapit si Daniella kay Marcus at mahi