Kanina pa siya nagkamalay pero nang marinig niya ang boses ng babae na totoong nag-alala sa kanya ay nagpanggap siyang hindi pa okay. Gusto pa sana niyang patagalin ang pagpapanggap ngunit hinubaran kasi siya ni Lilian. Nabahala siya na baka mahalata nito ang nangyari sa kanyang katawan. Nang sumagi ang kamay ng babae malapit sa kanyang junior, pilit niyang nilabanan ang pagnanasa. “Lian…,” bulong ni Alexander. Muntik na siyang maiyak nang magkamalay ang lalaki. Ngumiti siya sa lalaki at hinaplos ang pisngi nito. “Mabuti naman at nagkamalay ka na, nag-alala ako kanina. Sandali lang at kukuha lang ako ng gamot,” sabi niya dahil inaapoy pa rin sa lagnat ang lalaki. “Here, take this.” “Bitter,” reklamo ni Alexander at inabot ang tubig upang mapawi ang pait sa kanyang dila. “Kaya mo ba