Sa loob ng isang buwan ay naging masaya naman si Daniella kasama si Marcus. Kahit na may mga panahon na hindi sila magkasundo ni Marcus ay okey lang. Ngunit sinabi ni Marcus na kailangan na naman niyang bumalik sa hacienda upang pormal na mag-resign mula sa kanyang trabaho. Pumayag si Daniella kasi mas makabubuti naman iyon sa kanilang relasyon at para na rin sa plano nilang negosyo. Parami ng parami ang mga turistang dumating sa kanilang bayan kaya napagkasunduan nilang dalawa na magtayo ng isang hotel. Magiging parte ng hotel ang kanilang resort at ang vineyard naman ay magiging additional attraction upang mas makaengganyo ng mga kliyente. “Gusto mo bang sumama sa akin sa farm?” Tinanong ni Marcus ang babae bago siya umalis. “Sumama ka na upang makilala mo nama