“Hindi na ba talaga kayo magkakasundo pa?” Sumigaw si Paloma nang maabutan ang mag-ama na nagpalitan na naman ng opinion kahit nasa harap ng grasya. “Malabong mangyari ‘yon hangga’t ayaw niya kay Alexander,” sumagot si Lilian. Para sa kanya ay unfair kasi ang inasal ni Philip na todo reklamo ito kay Alexander habang wala ang kanyang nobyo. “Nasaan ba si Alexander, Lil?” Nagtanong si Paloma. “May lakad sila ni Simon, Ma.” Sumagot siya. “Wala akong problema kay Alexander, ano’ng problema mo Philip?” Tinanong ni Paloma si Philip. Once and for all ay gusto niyang magkasundo ang dalawa kasi siya ang na-stress sa mga bangayan ng mga ito. “Hindi naman sa ayaw ko sa kanya, ang gusto ko lang mangyari ay kilalanin niya husto si Alexander Ortega,” napatiimbagang na sumagot si Philip. “Kilala