Masaya si Daniella nang sa wakas ay nagkasundo na sina Lilian at Alexander. Tanging si Paloma na lang ang hindi natuwa sa buhay pag-ibig ni Lilian. Sa katunayan ay umalis ng bahay si Paloma upang magprotesta. “Saan kaya nagpunta si Mama?” Tinanong ni Lilian si Daniella. “I’m sure na kay Tito Edwin siya nagpunta,” sabi ni Daniella. “Hindi ka ba nagduda kay Mama at Tito Edwin?” Iniba ni Lilian ang kanilang usapan dahil noon pa niya napansin na laging nagpupunta ang kanyang ina sa bahay ni Edwin Sanchez. “Hmmm nagduda rin, pero hahayaan na natin siya. Tutal alam naman niya ang kanyang ginagawa,” sabi ni Daniella. “Sabagay,” sumang-ayon si Lilian. Nang mag-agahan sila ay inanunsyo ni Alexander na aalis sila ni Lili