Kanina pa siya nakaabang na lumabas ang lalaki mula sa banyo. Simula kasi nang pinaigting ni Daniella ang seguridad sa bahay, hindi niya inabala pa si Alexander tungkol sa mga gawaing bahay. Hinayaan na niya itong pamunuan ang mga tauhan na nasa bahay. Pero paminsan-minsan ay tumutulong naman ito. Siguro ay nasanay na ang lalaki. “Ang tagal mo naman,” reklamo niya nang lumabas si Alexander. Kumunot ang noo ni Alexander kasi wala naman silang usapan na maghihintay ito sa kanyang paglabas. “Bakit? May problema ba?” Tinanong niya si Lilian. “May mali ba sa akin?”Kaagad niyang tinanong si Alexander. “Baki ganyan ang tanong mo?” Gumanti ng tanong si Alexander kasi hindi niya maintindihan ang babae. Napakagat ng labi si Lilian hab