Maagang gumising si Alexander dahil may balak sila ni Lilian na muling bumalik sa Lake Danao upang mag-kayak. Bukod sa kayaking ay mayroon pang maraming activities sa Lake Danao tulad ng fishing at horseback riding, ngunit ang pinakapaborito nilang dalawa ay ang maghabulan sa Lake Danao gamit ang kayak. “May problema ka ba?” tinanong niya si Lilian nang maabutan itong nakatitig sa kawalan. “Lian? Hey! What’s wrong?” “Naalala ko lang ang nangyari kay Lesley noon,” sumagot si Lilian. “Ah, ngayong nabanggit mo ang tungkol kay Lesley, pwede mo na sigurong aminin sa akin ang totoo,” hiling ni Alexander. “Ano’ng aaminin ko? Ah, so hanggang ngayon ay inakala mong sinadya ko ‘yon? Ganun ba, Alexander?” Na-offend siya sa inakusa ng lalaki.