Dahil napagod sila sa kanilang ginawang ekskursyon ay naantala ang kanilang pagpunta sa Lake Danao. Hapon na sila nakaalis ng bahay ngunit nagtaka si Lilian kung bakit hindi sila nagpunta sa area na maraming mga turista. “Kaninong resort ‘to?” Tinanong ni Lilian si Alexander nang pumasok sila sa isang resort na walang katao-tao. “Hindi ba nabanggit ni Marcus na may resort siya sa Camotes?” Gumanti ng tanong si Alexander. “Hmmm hindi naman namin pinag-uusapan ang tungkol sa mga ganitong bahay. Ang alam ko lang ay taga Camotes ang kanyang first wife,” sumagot si Lilian. “Tama. Siguro ay hindi na niya binanggit pa ang bagay na ito kasi ibinigay na naman niya ang lugar na ito sa mga magulang ni Veronica,” pahayag ni Alexander. T