“Nay, bukod kay Veronica, may ibang anak ka pa ba?” Tinanong ni Lilian habang tumulong siya sa pagluluto ng tinolang manok. Bukod sa sinabawang manok ay nagprito rin sila ng isda. Kahit unang beses pa silang nagkita ay magaan na kaagad ang kanyang loob sa matanda. “Si Veronica lang ang anak namin tapos maaga pa siyang kinuha ng panginoon,” gumaralgal ang kanyang boses nang maalala ang nag-iisang anak na maagang pumanaw. Noong una ay nagalit sila ni Marcus dahil inakala nila ang lalaki ang dahilan kung bakit maagang kinuha si Veronica mula sa kanila. “Sorry po,” humingi siya ng paumanhin sa pagiging insensitive niya. “Nay, kung hindi natin maubos itong isda ngayon, lagyan natin ng malunggay mamaya.” Sabi niya. “Kumakain ka pala ng malunggay,” sumagot i