Ang kanilang bakasyon ay naputol dahil nakatanggap sila ng tawag na may lagnat daw si Vanessa. Ganunpaman, na-achieve naman nilang dalawa ang gusto nilang mangyari. Habang nakasandal siya sa dibdib ng lalaki ay hindi niya mapigilan ang sariling ngumiti. “May nakakatawa ba? Kanina ka pa,” sabi ni Alexander kasi kanina pa niya napansin na panay ang paghagikhik ni Lilian habang nakasandal sa kanyang dibdib. “Wala,” sumagot si Lilian ngunit hindi niya mapigilan talaga ang kanyang sarili na mapangiti. “Ano nga?” Kinulit ni Alexander ang babae kasi hindi siya naniwala na walang rason ang paghagikhik nito. “Naalala ko lang ang nangyari kagabi” sumagot si Lilian. Kumunot ang noo ni Alexander kasi maraming kaganapan ang nangyari kagabi. Nakipag-inuman kasi ang mga matanda ng lambanog at m