Naisip ni Lilian na siguro kung hindi siya umamin sa kasalanang nagawa ay hindi siya pahihirapan ni Alexander ng husto. Napasubo siya. Gustuhin man niyang umalis na lang ay hindi niya magawa dahil natakot siya na ipakulong ni Alexander. Ilang beses na rin naisip na kung sakali man na makulong siya, pupuntahan siya ng kanyang ina. Tuwing sumobra na si Alexander sa kayabangan nito at kating-kati na siyang sagutin ito ay lagi niyang ni-remind ang kanyang sarili na kumalma muna. At bilang pampakalma ng kumukulong dugo, nakasanayan na niya ang huminga muna ng malalim bago talikuran ang lalaki. Kaya lang ay hindi na niya alam kung nananadya ba ang lalaki o ano kasi lagi na lang siya nitong hinahanap. Sa lahat ng oras ay kailangang abala siya. Hangga’t hindi pa natulog