Sapo ni Alexander ang kanyang tiyan habang pabalik-balik siya sa CR. Hindi niya alam kung ano ang nakain niya at bigla na lamang sumakit ang kanyang tiyan pagkatapos ng hapunan. Gusto niya sanang tawagin ang kanyang katulong upang magpabili ng gamot pero natakot siya na baka pagtawanan lang siya nito kaya minabuti niyang manahimik na lamang at indahin ang sakit na mag-isa. Isa pa, baka sumakit rin ang tiyan nito kasi pareho lang naman ang kanilang kinain. Pagod na siyang bumalik sa banyo pero kailangan niyang gawin ‘yon at baka magkalat pa siya sa kanyang silid. Tuwing naiidlip siya sa sobrang antok, bigla na lang niyang maramdaman ang kagustuhang magbawas. Mga bandang alas dos ng madaling araw, naisipan ni Alexander na lumabas upang magluto ng noodles o kahit a