Para kay Lilian ay siya na yata ang pinakamasayang buntis sa buong mundo. Paano naman kasi, lahat ng klase ng pag-aruga ay ibinigay ni Alexander sa kanya. Dahil sa kanyang kundisyon ay pansamantala nitong ipinasa kay Simon ang pamamahala sa agency. “Okay lang naman kahit weekend lang tayo magkita,” suhestiyon ni Lilian sa lalaki dahil nag-alala siya sa negosyo ng lalaki. Oo nga at gusto niya itong makasama araw-araw ngunit aminado naman siya na may negosyo itong dapat pamahalaan. “Ayoko,” direktang sumagot si Alexander dahil ayaw niyang mawalay kay Lilian habang ipinagbubuntis nito ang pangalawa nilang anak. “May manager naman ako doon,” dagdag pa niya. “Salamat ha,” taos-pusong nagpasalamat si Lilian kay Alexander dahil hindi siya nito pinabayaan tul