Nang makaalis na si Alexander ay saka lang niya pinahid ang kanyang mga luha. Hindi niya ugaling umiyak sa harap ng ibang tao. Magalit siguro, oo, pero ang umiyak na may nakakita? Hindi pa niya nagawa iyon sa buong buhay niya kaya lang kanina ay nahirapan na siyang pigilan ang sarili. Nahirapan siyang manatiling matapang gayung gusto na niyang mamatay na lang. Habang nakahiga siya sa kama ay panay pa rin ang pag-agos ng kanyang mga luha at kahit anong pilit niya na tumigil na ay hindi niya pa rin magawa. Gusto niyang matulog upang makalimutan ang lahat ngunit sadyang mailap ang antok para kay Lilian. Sinubukan niyang ipikit ang kanyang mga mata ngunit ang imahe ni Alexander na may kasamang babae ang lagi niyang nakikita. Kahit ilang beses nitong itinanggi ang tu