Dahil sa nangyari ay hindi na nagawa ni Alexander na ipagtapat sa kanya ang tungkol kay Claire. Nawala na yata sa isip ng lalaki dahil abala ito sa ibang bagay particular na sa agency nito. Ilang buwan na siyang naghintay na magtapat si Alexander sa kanya. Isang umaga, habang tinulungan siya nitong maghanda para sa outing ng buong pamilya ay kinausap niya ito. “Wala ka bang sasabihin sa akin?” “Hmmm, I love you,” sumagot ang lalaki. Inirapan ni Lilian si Alexander dahil hindi naman iyon ang gusto niyang marinig. “I love you too,” sumagot siya. “Napansin ko lang na parang balisa ka nitong huling mga araw,” sabi niya. “Balisa ako? Hindi naman, eh.” Mariin na itinanggi ni Alexander na balisa siya. “Mamayang gabi, may pupuntahan tayo.” “Saan naman?” “Basta,” sumagot ang lalaki. Inisi