CHAPTER 79

1997 Words

Natawa si Alexander nang maalala niya ang reaksyon ng babae noon. Ilang taon din silang hindi nagkita at nang muli silang magtagpo ay ganun pa ang kanyang hitsura. “Sorry. Natakot kasi ako noon kaya nagpanggap akong hindi ka natandaan,” umamin si Alexander. “Ang sama mo talaga!” Pahayag ni Lilian sabay hampas sa braso ng lalaki. “Hindi mo lang alam kung gaano ako napahiya dahil sa tagpong ‘yon,” dagdag pa ni Lilian. “I’m sorry. Isang beses ka lang kinilig sa akin?” “Ewan ko. Pero bet ko ‘yong ginawa mo noong nasa Panglao tayo. Pakiramdam ko kasi noon ay isa akong diyosa sa kagandahan dahil para kang asong-ulol noon,” wika ni Lilian. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang babae. “Asong ulol? Ako? Whoa, grabe ka!” Reklamo ni Alexander. Mukha ba talaga siyang asong naghahabol noon?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD