For the first time in two years, Lilian was able to sleep soundly because she knew that Alexander was awake to watch over Vanessa. Samantalang si Alexander ay nahirapang labanan ang antok habang nakipaglaro siya sa batang babae. Gusto niyang gisingin si Lilian upang magreklamo ngunit naisip niya na sa loob ng dalawang taon ay walang maayos na tulog ang babae. Pero sana ay binalaan siya nito na hyper masyado si Vanessa tuwing gabi. Nang makaramdam ng antok ang bata ay laking tuwa ni Alexander na para bang nanalo siyang ng ilang milyon sa lotto. Malapad ang kanyang ngiti habang itinabi si Vanessa sa kanyang ina at pagkatapos ay nagtungo kaagad siya sa sofa bed na ipinalagay ng babae para sa kanya. Malakas siyang nagmura nang pilit siyang ginising. Hindi