Buong linggong pinilit ni Bea na iwasan si Liam. Palagi siyang nasa meeting. Mas madalas na nasa labas siya kasama ang creative team para sa actual market research. Hindi man tuluyang nawala sa isip niya si Liam, masaya na din siya na hindi niya ito nakikita o nasasalubong man lang. Mas makakatulong sa kaniya na makalimutan agad si Liam. Si Liam naman ay palaging naghihintay kay Bea. Kapag ipinapatawag niya ito ay palaging wala sa opisina. Kapag tinatawagan niya ay hindi sumasagot at agad na nagsisend ng message na nasa meeting siya. Kaya isang araw, bago mag-uwian ay inabangan niya si Bea sa lobby. Napag-alaman niya sa staff nito na babalik pa si Bea mula sa meeting sa labas dahil naiwan pa nito ang gamit sa lamesa niya. Habang naghihintay sa lobby si Liam ay napansin niya na dumating