Tama. Nagkamali lang ako. Mabilis na kumilos si Bea. Naligo at nagbihis. Nag-ayos ng sarili at sinigurong magandang maganda siya sa paningin ni Liam. Kakausapin ko siya. Magpapaliwanag ako. Tatanggapin kong nagkamali lang ako ng desisyon. Pagdating na pagdating sa opisina, si Liam ang una niyang pinuntahan. Dinaanan niya lang ang mesa ng secretary at walang sabi-sabi na pumunta sa opisina ni Liam. Hinabol siya ng sekretarya bago pa man niya nabuksan ang pinto. “Ms. Bea!” “Yes, Mariz?” “Ah kasi, bilin po ni Sir Liam, kapag dumating ka daw po ay huwag kang papasukin.” “Ha? At bakit naman daw?” “Wala pong ibang sinabi. Ang bilin lang ay huwag kayong papasukin. Pasensiya na po, baka po kasi ako ang pagalitan.” Mapilit si Bea at mabilis na hinawakan ang doorknob ng pinto. “Ako ang