BOOK 2 CHAPTER 17

1942 Words

Matagal nang naibaba ni Bea ang cellphone niya pero hindi pa din siya umaalis sa kinatatayuan niya. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Nanindig ang balahibo niya at napahalukipkip. Naramdaman na lang niya na unti-unti nang tumutulo ang mga luha niya. Ganun na lang ba talaga iyon? Naipagpalit niya ako sa loob ng isang buwan? Humigpit ang hawak ni Bea sa sarili niyang mga braso. Sa sobrang sama ng loob niya ay nagdesisyon siyang uminom mag-isa sa pinakamalapit na bar. Inalis lang ni Bea ang suot na blazer at tumambad ang mapuputi niyang braso. Pati ang magandang hubog ng katawan niya ay kitang kita sa suot niyang simpleng dress na hindi pa umabot sa tuhod ang haba. Pagpasok sa bar ay pinagtinginan siya ng mga tao. Isang lalaki ang kaagad na lumapit sa kaniya nang mapansin na wala si

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD