Nang makainom ng gamot si Bea ay hinayaan na muna siya ni Carla na magpahinga sa sofa tulad ng bilin ni Liam. Nakaidlip si Bea at nagising din makalipas lang ang kalahating oras. Naramdaman na agad niya na wala na ang sakit ng ulo niya, marahil ay tumalab na ang gamot. Agad na nag-ayos si Bea at niyaya na si Carla na magpunta sa event venue. Habang lulan ng taxi, tinawagan na ni Bea si Samantha. Sila ang featured models para sa fashion event ngayon. Naalala niya bigla na napagselosan pa niya si Samantha dati sa akala niya ay gusto ito ni Liam. Natatawa si Bea nang maalala ang gabing iyon na dahil sa selos niya kay Samantha ay may nangyari sa kanila ni Liam. Napabuntong hininga si Bea. Bigla niyang naalala ang pagkakahalik sa kaniya ni Liam kanina. Inamin ni Bea sa sarili na nasasabik na