BOOK 2: CHAPTER 2

1571 Words

Saktong mananaghalian na ang mama at papa ni Bea nang makarating siya sa bahay nila. Agad nilang ikinuha ng plato si Bea at pinasabay na sa pananghalian. Humahanap naman ng tiyempo si Bea paano sabihin sa kanila ang tungkol sa pamilya ni Liam. Hanggang sa naunahan na siyang magtanong ng mama niya. “Bea, anak, kailan nga pala namin makikilala ang mga magulang ni Liam? Ano nga uli ang trabaho nila?” “Ah, kuwan po, ma...sina Liam po ang may-ari ng kumpanyang pinagta-trabahuan ko dati. Chaiman po ang papa niya doon.” “Big time pala ang pamilya ni Liam. Pero kahit na ganoon, dapat ay mamanhikan sila dito.” Singit ng papa ni Bea. “Tama ang papa mo, Bea. Huwag mong kakalimutan, may mga bagay na hindi natin dapat kinakalimutang gawin. Tulad niyang pamamanhikan ng lalaki, sabihan mo si Liam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD