Nang magising si Bea ay umaga na pero may kadiliman pa sa labas. Napansin niya na nasa tabi niya si Liam at tulog na tulog pa. Pinagmasdan ni Bea si Liam habang natutulog ito. Liam, I’m looking forward to every day na mukha mo ang makikita ko sa tuwing paggising ko. Malapit na...Nangiti si Bea at naisip na excited na siya sa pagpapakasal nila ni Liam. Dapat ay simulan na nila ang pag-aasikaso. Ano na nga ba ang susunod naming gagawin? Saglit lang na nag-isip si Bea. Aah...tama, dapat ipakilala muna namin ang mga magulang namin sa isa’t isa. Pero papaano kaya? Sabay sabay? Hiwa-hiwalay? Parang biglang naguluhan si Bea nang maisip na magkaiba na ang mga pamilya ng magulang ni Liam. Naku, kung bukod pa, ibig sabihin dalawang beses sa magkahiwalay na pagkakataon pa namin ipapakilala sina ma