Kinabukasan ay pumasok na uli sa trabaho si Bea. Pagpasok pa lang niya sa opisina ay nakatanggap na agad siya ng simpleng welcome cheers mula sa mga teammates niya. Kasama uli niya si Carla na bestfriend niya kaya tuwang tuwa naman si Bea. Dahil maaga pa naman ay nagkape muna sila ni Carla sa pantry. Excited na excited si Carla na makipagkuwentuhan kay Bea. “Ano na, bes, kuwento naman. Trending na trending ang wedding proposal niyo ni Sir Liam.” “Naku, ganun pala yun bes. Sobrang nakakakilig at pakiramdam ko hindi nakalapat ang mga paa ko sa semento. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam.” “Talaga? Mas masarap pa sa ano?” Pilyong pagkakatanong ni Carla na ang ibig sabihin ay better than s*x? Nahampas ni Bea nang mahina si Carla bago sumagot. “Uy, ano ka ba, baka may makarinig sa