Lumipas ang dalawang buwan na ginugol lang ni Bea ang panahon niya sa pag-aasikaso ng mga upcoming fashion events. It was an excuse not to talk about their wedding for the meantime. Pero ang totoo, hindi naaalis sa puso ni Bea ang pag-aalala, hindi lang niya pinapahalata kay Liam kapag magkasama sila. Minsan sa isang linggo ay lumalabas sila ni Liam. Nagpupunta pa din siya sa unit ni Liam kapag weekend at madalas na nauuwi sa mainit na pagtatalik ang mga gabing magkasama sila. Wala sa kanilang nauunang mag-ungkat ng tungkol sa kasal. Basta masaya sila na magkasama, iyon na ang mahalaga para sa kanila. In one of the upcoming events, kakailanganin ni Bea na maghanap ng outdoor venue for Summer and Spring collection. Habang iniikot niya ang isang sikat na clubhouse sa Pasig area na isa sa