Napansin din ni Bea na mukhang nagiging unstable na naman ang mental state ni Liam. Sobra ang pagiging seloso nito at alam din niyang sign ito ng insecurity. Sa tingin ni Bea, magiging secured lang si Liam kapag naikasal na sila. “Liam, kaibigan mo naman si Dylan kaya ikinuwento ko lahat. Wala akong itinago sa kaniya. Sinabi niya na nauunawaan ka niya dahil ayaw mong masasaktan ang mama mo dahil sa mga pinagdaanan nito. Tama naman siya, Liam.” “Kung ganun, naiintindihan mo na ako?” “Oo naman, naiintindihan naman kita kahit noon pa. Pero paano ko ba ipapaintindi iyon sa mga magulang ko? Sabihin mo nga sa akin, Liam, paano?” Tahimik na nag-isip si Liam. Nakaakbay ang isang kamay niya sa balikat ni Bea at nakasubsob naman ito sa dibdib ni Liam. Mayamaya ay napahugot nang malalim na pag