Lumipas na ang tatlong buwan at mabilis na lumaki si Baby Liam. Hindi nakalimutan ni Liam ang pangako niya kay Bea na dadalhin nila si Baby Liam sa Bataan at doon pabibinyagan. Hinimok ni Liam si Bea na sabihan muna ang mama niya para hindi sila mabigla. Tinawagan ni Bea ang mama niya at inihanda ang sarili sa maaring marinig na hindi maganda. Nagtaka naman si Bea dahil hindi ma-reach ang number ng mama niya. Sinubukan niya na mag-text. Nakalipas na ang sampung minuto ay wala pa ding natatanggap na sagot si Bea. Kinutuban si Bea na baka may nangyari nang hindi maganda sa mga magulang niya. Agad siyang nakaramdam ng kaba at sinabi kay Liam ang nararamdaman niya. “Daddy, nakakapagtaka... wala akong natatanggap na kahit anong message mula kay mama. Alam ko naman na galit sila sa atin. Pero