ANIM NA BUWAN na si Baby Liam. Nagpasya sina Liam at Bea na dalhin na ito sa Bataan at ipakilala sa mga magulang ni Bea. Bibong bibo na si Baby Liam at mahilig itong tumawa. Kaya nang unang kita pa lang ng papa ni Bea dito ay hindi nito napigil ang sarili na mapatawa din. Kakapasok lang nila noon sa gate at naabutan nila sa bakuran ang mama at papa ni Bea. Nakaupo sila sa pahingahan na nasa ilalim ng puno. Hindi nila alam na darating sina Bea dahil sinadya ng mga ito na sorpresahin sila. “Ma! Pa! Kasama po namin ang apo niyo!” Kapwa abala sa cellphone ang dalawa at sabay na napalingon sa gate. Una nilang nakita ang mukha ni Baby Liam na malayo pa ay nakatawa na. Karga-karga ito ni Bea. Paglapit ni Bea ay agad itong nagmano at pinagmano din si Baby Liam. Mayamaya ay pumasok na din sa g