Ilang buwan ang lumipas hanggang sa naging taon ang pananatili ko sa isla. Nagtayo rin nang dagdag negosyo si Radd na pinagkatiwala niya sa akin. Ang kan'yang kabaitan ay talagang puro at walang halo. Maging ang kan'yang pamilya ay napakabait. Wala akong masabi dahil lahat sila ay may mga mabubuting puso. Madalas na rin ang pananatili niya sa isla para gabayan ako sa aking trabaho. Ilang buwan na rin ang nakalipas na makasama ko si Yana. Nang malaman niya ang nangyari sa akin ay sinundan niya ako sa isla at namuhay kasama ako. Naging masaya at kontento ako sa pamumuhay ko sa isla. Ang mga tao ay napakabait, kaya wala akong masabi. Ito na ang matagal ko ng pinapangarap na buhay ang tanggapin ako ng kahit sino. Ang mabuhay ng tahimik at walang sino man ang nanliliit at ng iinsulto. "