Hinatid niya ako gamit ang magara niyang kotse. Wala akong masyadong alam sa kotse kaya hindi ko alam kung ano ang modelo nito ngunit halata sa itsura nito na may kamahalan ang presyo. Nahihiya rin akong magtanong kaya mas pinili ko na lang ang manahimik. Nang marating namin ang bahay ay narinig ko itong nagpakawala ng buntonghininga. At seryuso niya akong hinarap uonag matitigang mabuti bago nagsalita. "Amarah sana ay bigyan mo ako ng pagkakataon na ipakita sa 'yo kung gaano ako ka seryoso," sinsero nitong sabi. "Aamon, masyado kasing magulo ang buhay ko. Wala ka pa'ng masyadong alam sa akin at nakakapagod magkwento." "Kahit maabutan pa ako ng ilang araw rito handa akong makinig sa 'yo." "Aamon, hindi tayo bagay, marami namang mga babae riyan na pwede mong balingan nang pagtingi