Mula nang kinausap ni Radd si Aamon ay hindi ko na ito nakita. Dalawang araw na ang nakalipas pero hindi na ito nagparamdam. Hindi ko na lang inisip kung ano ang kan'yang dahilan. Minsang sumagi sa isip ko na baka may kinalaman ang pakikipag-usap ni Radd sa kan'ya. At baka may sinabi ito kaya kusa na itong lumayo. Nagtataka man ngunit hindi ko dinamdam kung ano man ang pwedeng dahilan nang paglayo niya. Kung ano man ang sinabi ni Radd para layuan ako ni Aamon ay wala akong dapat ikagalit. Alam kong sa kabila ng lahat ay kapakanan ko parin ang iniisip niya. May girlfriend man siya ay wala pa rin pinagbago. Kung ano ang man trato niya sa akin noong wala pa siyang kasintahan ay gano'n pa rin ngayon. At gaya ng aking nakasanayan ay inaalagaan ko pa rin siya ng personal kapag nandito siya.