Nang tiningnan ko ang tag price ng kan'yang mga pinili ay napalunok ako sa presyo. Kahit isang taon kong pag-iiponan sa aking trabaho ay siguradong hindi ako makakabili. Kaya tumanggi ako pero nagpupumilit ito na siya na raw ang bahala. Kaya sa huli ay wala pa rin akong nagawa. Si Yana man ay hindi pinalampas ang mga mamahaling gamit. Sanay kasi ito sa marangyang buhay kaya hindi nakakapagtakang marami itong alam pagdating sa mga damit. May mga binili rin siyang makeup dahil wala na itong balak pang magpa-make over sa salon. Siya na rin ang nagpresenta na gagawa ng make over para sa akin. Nagpahinga lang kami buong hapon matapos naming bumili nang maisusuot kaninang umaga. Sa tanghali naman ay nag-padeliver lang siya ng makakain dahil wala kaming pwedeng lutuin. Hindi pa kasi kompleto a