Naging emosyonal ang lahat matapos marinig ang kanta ni Dertz. At nang matitigan ko ito sa mukha ay nakita ko ang saya sa kan'yang itsura. Ngunit bigla itong nawala at napalitan ng lunkot matapos siyang tumitig sa babaeng nakaharap sa kaniya. Pakiramdam ko ay ito ang pinag-aalayan niya ng kinanta niya. Kinausap ni Dertz isa-isa ang mga bisita niya. At nang makita niya kami ni Yana ay kinawayan niya kami upang lumapit. Kaya hindi kami nagdalawang isip na lumapit sa gawi nila kasama ang kausap niyang mga bisita. May kausap ito ngunit nakatalikod sa amin, ito ang babaeng tinitigan niya kanina pa na para bang ito ang pinaka importanteng tao sa buhay niya. Nang lingunin kami ng dalawa niyang kausap ay para akong binuhusan nang malamig na tubig. Hindi ako maka galaw sa aking kinatatayuan at