"Sorry," malungkot niyang wika at parang piniga ang puso ko nang makitang nag-uunahang ang mga luha nito sa pagbagsak sa kan'yang mga pisngi. Humakbang siya patalikod habang hawak niya ang kan'yang dibdib at hindi umiiling dahil hindi makapaniwala sa narinig. Mabilis niya kaming tinalikuran at saka tinakbo ang labas. Suminghap ako ng hangin at saka tinanggak ang kamay ni Radd. Nagmamakaawa ko siyang tinitigan at inutusan na sundan ang kan'yang nobya. "Radd, sundan mo si Delma, ihatid mo siya at ako na ang bahala rito," pinal kong sabi pero tila wala pa rin itong narinig sa aking mga sinabi. "Pare, asawa ko 'yan kaya umalis ka sa tabi niya," nakita kong nagtiim ang mga bagang ni Radd nang tapunan ko siya ng tingin. "Blake please lang ikaw ang tumigil na dahil annulled na tayo kaya hay

