Maaga kami ngayon sa mansyon dahil para sa amin ni Amarah ang araw na 'to. Gusto ng parents ko na mauna kaming dumating sa mga bisita dahil gusto nila na kami mismo ang sumalubong at mag-asikaso. Nakangiti kami habang nag-aabang sa mga bisita na dumarating. Marami ang imbitado na mga kaibigan ng magulang ko at marami rin ang kakilala ko. Ramdam kong nahihiya si Amarah pero hindi ko hinayaang iparamdam sa kaniya na naa-out of place siya. Palagi lang akong nasa tabi niya at hindi ko siya iniiwan. Kahit sa Cr lang siya patungo ay sinasamahan ko siya. "Okay ka lang?" nag-aalala kong tanong nang mapansin kung nanginginig ang kamay niya. Ginagap ko ang kamay niya at pinisil para kumalma siya. Tinitigan niya ako at bumuntong hininga bago ako nginitian. "Medyo kinakabahan lang," nakangiti n

