Radd POV Excited akong umuwi sa bahay dahil alam kong may naghihintay sa akin. Nagpapasalamat ako dahil naging maayos at matagumpay ang operasyon sa aking mga mata. Hindi na ako makapaghintay na makita si Amarah at mayakap matapos ang ilang buwan ng pagtitiis. Kasama ko si Mommy at si Dertz sa State para palakasin ang loob ko. Marami ring kakilala si Dertz sa State at mas lalo pa kaming inasikaso dahil isa sa mga kaibigan niyang doktor ang nag-opera sa mata ko. Araw at gabi kong tinatawagan si Amarah pero namimis ko pa rin siya. Kahit nakikita ko sa video call ay iba pa rin kung nakikita at nayayakap mo siya sa personal. Lagi siyang nagrereklamo sa akin kung kailan ako uuwi. Nag-aalala rin siya kung bakit na extend pa ang pag-stay ko roon. Mabuti na lang at inintindi niya ako dahil kinau

