"Radd, sorry kung nagalit kita. Alam kong ayaw mong magkausap kami pero pangako ko sa 'yo gagawin ko lang 'to para sa atin," madamdamin kong sabi upang maintindihan niya. "Hindi naman siguro kailangan pa 'di ba? Wala na siyang karapatan sa 'yo at wala na akong makitang dahilan para guluhin pa tayo." Tumango ako. "Alam ko naman pero sabi nga ni Dertz ang gusto lang niya ay humingi ng sorry." "Saka na kayo mag-usap kapag kasal na tayo," nagtatampo niyang sabi na may halong inis. "Hindi naman siguro natin kailangang madaliin ang kasal." "Ayaw mo lang yata!" "Syempre gusto ko, pangarap kong makatabi ka sa altar," malambing kong sabi at ikinawit ko ang aking mga kamay sa kan'yang braso. "Bakit parang ayaw mo yata?" siningkitan niya ako ng mga mata at parang nagdududa ang kan'yang

