Amarah POV Bago kami bumalik sa aming mga trabaho. Niyaya muna ako ni Radd na mamasyal sa Maynila. Tinawagan niya si Yana na hindi na muna kami susunod dahil ipapasyal pa raw niya ako. Napapangiti ako sa tuwing dumidikit siya sa akin kahit saan ako magpunta. Para tuloy akong may bantay na bodyguard. Mawala lang ako saglit sa kan'yang paningin ay para na itong napapraning nang kakahanap sa akin. Namasyal kami sa mall at nanuod ng sine. Dumaan rin kami sa isang boutique para bilhan ako ng mga damit. Kahit nagpumilit siya ay hindi ako pumayag. Nagtampo siya sa akin pero hindi pa rin ako pumayag. Ayaw kong binibilhan niya ako ng mamahaling gamit dahil hindi naman ako maluhong tao. Sanay ako sa simpleng mga damit at hindi mamahalin. Para makabawi ay hiniling niyang pumasyal kami sa res

