PARANG nawala bigla ang lagnat ni Ryleigh matapos niyang marinig ang sinabi ni Azriel. Mabilis niyang tinignan ang anak niya. "Are you okay, baby? Nasaktan ka ba?" nag-aalala niyang tanong sa anak niya. "I'm okay, Mommy. Daddy saved me," sabi ni Azry. Tumingin si Ryleigh sa asawa. Mabilis naman na nag-iwas ng tingin si Azriel at tumayo. "Iwan ko muna kayong dalawa. I'll just prepare for lunch. Alam kong gutom na kayo," aniya. He quickly stormed out of their room before his wife could ask anything. Nagtaka naman si Ryleigh sa asawa dahil mukhang may iniiwasan ito. Kumunot ang nuo niya at tumingin sa anak niya. Niyakap niya ito. "How did your daddy save you?" tanong niya sa anak. Though hindi na nakakapagtaka na kayang iligtas ni Azriel ang anak nila. He's a good fighter after all. But ca