GUSTONG sapakin ni Ryleigh ang bagong investor na nasa harapan niya. Hindi niya kasi gusto ang tingin na binibigay nito sa kaniya pero pinigilan niya ang sarili. Gusto raw siya nitong makilala kaya naman pumayag na lang siya dahil related naman sa work pero hindi niya talaga gusto ang bagong investor. Para kasi siya nitong hinuhubaran sa uri ng tingin nito sa kaniya. "Mr. Davinson," aniya. Napakurap ito at matamis na ngumiti sa kaniya. Gustong umirap ni Ryleigh pero pinanatili niyang pormal ang mukha niya kahit pa gustong-gusto niyang tarayan ang matandang nasa harapan niya. Yep, the new investor is an old man already. "Nice meeting you, Mrs. Hernandez. You're beautiful," ani Mr. Davinson na halos hindi na maalis ang tingin kay Ryleigh. Tumango naman si Ryleigh. Trying to ignore Mr. Da