Scarleth POV After 1 week Isang linggo na ang nakakalipas simula ng umalis si Carl at ngayon ay martes na Sa isang linggo na iyon ay halos araw araw ko syang tinatawagan pero hindi nya sinasagot. Gustong gusto ko na sabihin yung nakita ko pero hindi ko magawa Sa isang linggo din na yon ay sobra ko syang namiss. S tuwing may pasok ay nandito lang kami sa pinaggagawaan at hindi ako umaalis kasi natatakot akong magkagulo na naman Tuwing may libre akong oras ay nananatili lang ako sa bahay at ini-stalk si Carl sa mga account nya at nakikita ko yung mga picture nila ni Nicole na nagbabakasyon at nagpapakasaya Minsan ay tumatawag din si Zack sa akin para mangamusta at niyayaya ako maglunch pero tumatanggi ako kasi ayaw kong umalis sa pinaggagawaan ng bahay kasi nga natatakot akong magkagul