Scarleth POV “Sorry" lumayo ako sa kanya "Tama na Scar, nasasaktan ka" sabi ni Naz at niyakap ako, niyakap ko din sya bago humiwalay " Ano ka ba ayos lang ako, kaya ko pa naman" nakangiting sabi ko "Basta tandaan mo narito lang kami"sabi nya at tumango lang ako Lumapit ako sa kotse ko at sumadal don at tinitigan sya Hanggang kailan kaya ako maghihirap para makuha sya? Hanggang kailan nya ako papahirapan? At hanggang kailan kaya ako maghihirap at hindi susuko? Ilang linggo nalang at tuluyan na akong ikakasal kay Zack, ano bang dapat kong gawin para mapasaakin si Carl? Kung si Zack lang sana yung una kong nakilala baka sya yung minahal ko, mabait naman sya pero si Carl ang gusto ko. Si Carl ang mahal mo "Huy! Scar, uwian na nakatunganga ka pa diyan" napatakip ako ng tenga ko ng sumi